kapag may isinuksok may madudukot
According to Philippine Literature online proverbs are called salawikain. Philippine proverbs contain sayings which prescribes norms, imparts a lesson or simply reflects standard norms, traditions and beliefs in the community. Professor Damiana Eugenio classifies Philippine proverbs into six groups according to subject matter. These are: proverbs expressing a general attitude towards life and the laws that govern life; ethical proverbs recommending certain virtues and condemning certain vices; proverbs expressing a system of values; proverbs expressing general truths and observations about life and human nature; humorous proverbs and miscellaneous proverbs.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan
Ang matibay na kalooban, ang lahat ay nagagampanan.
Ang tunay na kaibigan, karamay kailan man
Di man magmamana ng ari,ay magmamana ng ugali.
Kahoy mang babad sa tubig,kapag nadarang sa init,pilit na magdirikit. Kapag hindi ukol, ay hindi bubukol Kapag ang tao’y matipid, maraming maililigpit. Kapag ang palay naging bigas, may nagbayo Kung sino ang masalita siya ang kulang sa gawa Kung tunay nga ang tubó, matamis hanggang dúlo. Sa laging bukas na kaban, Nagkakasala kahit banal man. Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila. Walang binhing masama sa [may] mabuting lupa. Wika, at batong ihagis, di na muling magbabalik.
Hulí man daw at magaling ay naihahabol din.
Kahit na ang usa ay mabilis tumakbo, Sa tiyaga ng pagong, ito ay matatalo.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Nasa Diyos ang awa! nasa tao ang gawa!
Pag maaga ang lusong,maaga [rin] ang ahon.
Sa lakad ng panahon,lahat ay sumusulong.
Walang matimtimang birhen, sa mdalas manalangin.
———
Date: 31/08/2009
By: katie_nightrive
pag hindi mo na ubos kanin mo at makalat pa sa gabi ay didikit sila sa isat-isa at bubuhatin kanila
———
Date: 31/07/2009
By: May
Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.
Ang bayaning nasusugatan, nagiibayo ang tapang.
———
Date: 22/07/2009
By: Bitoy
Walang panalangin na hindi diringgin
Walang pagkakamaling di patatawarin...
Kung ang pananalig ay lubos at taimtim...
———
Date: 14/07/2009
By: Anonymous
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
© 2009 All rights reserved.