weah d nga?....its that true..
Ang mga magkakasintahan ay huwag magbibigayan ng kuwintas o rosaryo sapagka't kapag ito'y nalagot ay hindi sila magkakatuluyan.
Huwag isusukat ang damit pangkasal sapagka't hindi matutuloy ang kasal.
Huwag magsusukob ng taon ang magkapatid sa pag-aasawa sapagka't sila'y magdaraigan sa kabuhayan.
Kapag initsa ng bagong kasal ang hawak na bulaklak at ikaw ang nakasalo, ikaw ang susunod na mag-aasawa.
Huwag magpapakasal nang patay ang buwan o paliit ito upang maging maayos ang pamumuhay.
Huwag mag-uunahan sa paglakad pagkakasal upang sila ay magsunuran sa buhay.
Kapag belo ng ikakasal ay naitalukbong sa lalaki, ito ay maaander de saya.
Kapag nagsindi raw ang isa ng kandila, huwag idirikit ang mitsa sa isang may sindi na upang hindi laging nag-aaway.
Huwag mong pagliligpitan ng kinanan ang iba pang kumakain sapagka't ito'y mababalo kung may asawa at tatandang binata o dalaga kung wala pang asawa.
Ang dalaga kung nagluluto ay huwag kakanta sa harap ng kalan nang hindi magka-asawa ng biyudo
Ang babaeng buntis ay hindi dapat kumain ng kambal na saging. Magiging kambal din ang kaniyang mga anak.
© 2009 All rights reserved.