Search site




Pamahiin

Tayong mga Pilipino ay mapamahiin. Marami sa mga kamaganakan namin  sa Pangasinan at Nueva Ecija ang mapamahiin. Nakkatuwa kasi karamihan sa kanila ay  ibinabase ang kanilang pamumuhay sa mga pamahiin.

Ano ba ang pamahiin o sa engles ay superstitous belief?

Ayon sa mga nabasa ko ang pamahiin daw ay ang walang basehang paniniwala na ang isang bagay o pangyayari na makakaapekto sa isa pang pangyayari kahit wala silang relasyon sa isa't isa.
Yayong mga  Pilipino ay sinasabing may malaking paniniwala sa pamahiin. Kasali na ito sa ating kultura, at maraming sa atin ang ibinabase ang  pamumuhay sa mga pamahiin.

Naiimpluwensyahan ng mga ito ang ating mga buhay at pananaw sa mga iba't ibang pangyayari (events) sa ating buhay tulad ng kasal, binyag at maging sa kamatayan.
Nakakatuwa lamang na ang mga pamahiin ay mahigpit na sinusunod ng ilan sa atin kahit magiging malaki ang epekto nito sa mga taong kasangkot.

Halimbawa na lamang ang babaeng ikakasal. Hindi niya dapat isukat ang kanyang pangkasal sa dahilang hindi matutuloy ang kanyang kasal. Kaya sa oras ng kanyang kasal, kung hindi masikip ay sobrang luwag ang kanyang damit.

Tapus,  kapag may namatay sa isa sa mga kamag-anak, ang pamilya ay hindi pinapayagang magwalis. Ito daw ay sa dahilang ang kaluluwa ng namatay ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang. Hindi daw siya pwedeng mawalis o maitaboy.

Ang pamahiin ay hindi lamang nakakaapekto sa mga okasyon at mahahalagang pangyayari ng mga Pilipino. Napakarami pang mga pamahiin na hanggang sa ngayon ay sinusunod pa din . Sasabihin ng matatanda , walang masama at walang mawawala sa iyo kaysa sa magsisi sa huli.

Pamahiin

Kaugalian

Kaugalian
  Magsuot daw ng polka dots o may bilog-bilog na damit tuwing sasapit ang Bagong taon para...

Okasyon

Paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ng patay para madaling malutas ang kaso kung ito ay...

Pag-aasawa

Ang mga magkakasintahan ay huwag magbibigayan ng kuwintas o rosaryo sapagka't kapag ito'y nalagot...

Pang araw araw

Ikutin ang pinggan kung hindi pa tapos kumain at may aalis na kasama sa bahay para daw hindi...

Pera

Pera
  Kapag makati ang palad, may dadating na pera

Ibahagi ang iyong kaalaman sa pamahiin

Date: 03/11/2009

By: maricar del rosario

Subject: patay

kapag may namatay sa isa sa mga kamag-anak, ang pamilya ay hindi pinapayagang magwalis.

why?
>>dahil ang kaluluwa ng namatay ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang...
>>hindi daw sya pwedeng mawalis o maitaboy.... yun lang din...
>>. GOD BLESS US...<<

Date: 03/11/2009

By: maricar

Subject: i believe in this superstitous beliefs

kung sa isang simbahan ay maraming bibinyagan,dapat daw ay itakbo mo ang iyong anak at unahan sa lahat ng bata sa paglabas sa simbahan. yun lang HOPE YOU LIKE IT....

Date: 06/09/2009

By: RODNEIL RAPINAN

Subject: DIYOS

Nasa diyos ang Awa Nasa tao ang Gawa

Date: 03/11/2009

By: maricar del rosario.

Subject: Re: DIYOS

we all know that and that's not a PAMAHIIN...

yun ay KASABIHAN...and that's ok...

Date: 03/11/2009

By: maricar del rosario.

Subject: Re: DIYOS

we all know that and that's not a PAMAHIIN...

yun ay KASABIHAN...and that's ok...

<< 1 | 2