may nkita aqng multo at sv ng ksama q ay multo daw ni michael
Tayong mga Pilipino ay mapamahiin. Marami sa mga kamaganakan namin sa Pangasinan at Nueva Ecija ang mapamahiin. Nakkatuwa kasi karamihan sa kanila ay ibinabase ang kanilang pamumuhay sa mga pamahiin.
Ano ba ang pamahiin o sa engles ay superstitous belief?
Ayon sa mga nabasa ko ang pamahiin daw ay ang walang basehang paniniwala na ang isang bagay o pangyayari na makakaapekto sa isa pang pangyayari kahit wala silang relasyon sa isa't isa.
Yayong mga Pilipino ay sinasabing may malaking paniniwala sa pamahiin. Kasali na ito sa ating kultura, at maraming sa atin ang ibinabase ang pamumuhay sa mga pamahiin.
Naiimpluwensyahan ng mga ito ang ating mga buhay at pananaw sa mga iba't ibang pangyayari (events) sa ating buhay tulad ng kasal, binyag at maging sa kamatayan.
Nakakatuwa lamang na ang mga pamahiin ay mahigpit na sinusunod ng ilan sa atin kahit magiging malaki ang epekto nito sa mga taong kasangkot.
Halimbawa na lamang ang babaeng ikakasal. Hindi niya dapat isukat ang kanyang pangkasal sa dahilang hindi matutuloy ang kanyang kasal. Kaya sa oras ng kanyang kasal, kung hindi masikip ay sobrang luwag ang kanyang damit.
Tapus, kapag may namatay sa isa sa mga kamag-anak, ang pamilya ay hindi pinapayagang magwalis. Ito daw ay sa dahilang ang kaluluwa ng namatay ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang. Hindi daw siya pwedeng mawalis o maitaboy.
Ang pamahiin ay hindi lamang nakakaapekto sa mga okasyon at mahahalagang pangyayari ng mga Pilipino. Napakarami pang mga pamahiin na hanggang sa ngayon ay sinusunod pa din . Sasabihin ng matatanda , walang masama at walang mawawala sa iyo kaysa sa magsisi sa huli.
———
———
———
———
Date: 11/10/2011
By: hana ann
may nkita aqng multo at sv ng ksama q ay multo daw ni michael
———
Date: 02/07/2011
By: mabz
uminom ka muna nang maraming tubig bago matulog..para maiwasan ang mga masamang panaginip at bangungot...
———
———
Date: 30/06/2011
By: kalibugan
mag jump and jack ka daw pag new year at tatangkad ka daw
———
Date: 02/04/2011
By: madel grace
kailangan namin para sa thesis ng mga taong mapamahiin.. my kilala ba kau? iinterviewin lang namin as participants ng research. kung may kakilala kau.. txt me 09483233184 or message me.... raztah_authority@yahoo.com
———
Date: 20/11/2010
By: supremo
pag ni libing daw ang patay dapat wag sabatin ang asawa dahil aswa mo daw ang mamatay
———
Date: 21/10/2010
By: kristine
my nkita akong anino sah loob ng bhay nmin..mdyo kinalabtan ako kc 1st time kng mka kta..pero sv ng lola ko guniguni q lng dw un..
———
Date: 16/07/2010
By: Juvs21
Pag may namamatay lalo na sa mga katoliko kadalasan isinasama ang rosaryo at inilalagay sa kamay at pag ililibing na ang patay kelangan gupitin o patidin ang rosaryo upang walang sumunod na mamatay.
———
Date: 19/02/2010
By: annex
ang sb dw,bawal matulog pag di pa nakaihi, tiyak na babaha sa banig!!!!!!1
———
© 2009 All rights reserved.