Search site


Filipino Folklore - transmitted by word of mouth 

gaas, kerosine lamp, lamparaBawat Pilipino ay nakarinig ng kwento tungkol sa nuno, aswang, mangkukulam o tikbalang. Naranasan din natin ang makipagbugtungan at nakipagpalitan ng salawikain. Nakarinig din tayo ng ibat ibang kwentong alamat.

Nuong bata pa ako, bumibisita kami lingo lingo kila lolo sa probinsiya ng Isabella. Kabundukan at malapit sa ilog yung bahay nila. Tapus nuong mga panahon na yun, early 80's hindi pa talaga uso ang computer or tv sa bayan nila lolo. Wala rin silang kuryente kaya nakadepende sila sa liwanag ng araw o buwan, sa gabi nagsisindi sila ng kandila o di kaya'y lampara na ginagamitan ng gaas.

Kay lolo ko unang narinig ang bahagi ng Filipino folklore kagaya ng kwento ng aswang, tikbalang at tiyanak. Hindi ko rin maalis sa isip ko ang tungkol sa mga ninuno na nakatira sa malaking puno ng acacia o ang kwento tungkol kay nana Rosa na isa raw mangkukulam at may itinatagong agimat.

Naranasan ko rin na makipagbugtungan kapag hapon na. Nakapakikinig din ako ng mga salawikain mula sa aking mga kamaganakan.

Nuong nag high school na ako, lumawak ang kaalaman ko sa metolohiya at literaturang Pilipino.

Sa mga pahina ng website na ito, samahan mo akong buhayin, hindi man lahat, ngunit bahagi ng Filipino folklore. Ikaw ay aking inaanyayahan na magbahagi rin ng iyong  kaalaman o maging ang sariili mong karanasan tungkol sa Filipino folklore. Ito may ay tungkol sa kwento ng kapitbahay na nasaniban, agimat sa puso ng saging, kinulam na kaeskwela, tiyanak sa kweba, malalim na salawikain o nakakatawang  mga bugtong.

whitelady, aswang, filipino folklore

Share your stories

Date: 04/08/2011

By: paolo

Subject: filipino

ano po ba ang kwento ng mga lampara